PH Embassy sa US may paalala sa mga ilegal na naninirahan doon

PH Embassy sa US may paalala sa mga ilegal na naninirahan doon

MAY apela ang Embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos sa mga Pilipinong ilegal na naninirahan o nagtatrabaho doon.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, magandang umuwi na muna sila sa Pilipinas kasunod sa pagbawi ni US President Donald Trump sa legal status ng nasa 500K immigrants sa kanilang bansa.

Bagamat karamihan sa mga ito ay mula sa bansang Cuba, Haiti, Nicaragua, at Venezuela at wala ang Pilipinas, mas mainam aniya na ayusin na muna ng mga Pilipino ang kanilang status bago pa sila isunod.

Nakabubuti rin na lumapit at kumonsulta sila sa immigration lawyers kung paano nila gawing legal ang kanilang paninirahan sa Estados Unidos.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble