NAKATAKDANG harapin ng Philippine Men’s National Football Team sa isang friendly match ang mga bansang Nepal at Chinese Taipei.
Ang nasabing match ay bilang paghahanda ng bansa sa 2026 AFC Asian Qualifiers sa Nobyembre.
Haharapin ng Azkals ang Nepal sa June 15, 2023 habang sa June 19 naman ang Chinese Taipei sa Rizal Memorial Stadium sa Manila.
Ang pinakahuling panalo ng Azkals ay laban sa Brunei na kung saan nakakuha ito 5-1 na iskor noong December 2022 sa AFF Championship.