PH Gov’t, hinihintay pa ang pormal na desisyon ng Indonesia para maisapinal ang paglilipat kay Mary Jane Veloso

PH Gov’t, hinihintay pa ang pormal na desisyon ng Indonesia para maisapinal ang paglilipat kay Mary Jane Veloso

TAONG 2010 nang maaresto si Mary Jane Veloso dahil sa drug trafficking matapos siyang mahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin sa Yogyakarta, Indonesia at hinatulan ng death penalty sa kaparehong taon sa nasabing bansa.

Araw ng Miyerkules, inanunsiyo ng Pangulo na babalik na sa Pilipinas ang Pilipinang si Mary Jane Veloso para patuloy na isilbi rito ang kaniyang sentensiya.

Sa press briefing sa Malacañang nitong Miyerkules, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Mico Clavano na hinihintay lang nila ang pormal na desisyon o tugon ng Indonesian government upang maplantsa ang ilang detalye tungkol sa magiging setup ng paglilipat kay Veloso.

Setyembre 6, 2022, nang pormal na hiniling ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang clemency para kay Veloso.

“The formal response of the Indonesian government to our formal request as well for the repatriation of Mary Jane Veloso. This is an example of a detainee moving from one criminal justice system in one jurisdiction to another,” wika ni Asec. Mico Clavano, DOJ.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos sabihin ng Coordinating Ministry for Legal, Human Rights, Immigration, and Correction ng Indonesia na ikinokonsidera nila ang posibleng paglipat kay Veloso bilang parte ng constructive diplomacy.

Binanggit ni Foreign Affairs Undersecretary for Migration Eduardo Jose de Vega na binabalangkas ng Indonesian Government ang isang polisya na ilipat sa sariling bansa ang mga dayuhang nagkasala para doon pagdusahan ang kanilang sentensiya.

Dagdag ni De Vega, sa sandaling lumabas na ang ‘final say’ ng Jakarta, makikipagpulong ang Pilipinas sa panig ng Indonesia upang plantsahin ang mga detalye ng kaniyang paglipat sa isang bilangguan sa Pilipinas.

“Another benefit of her being here, aside from what it means that there will be no more death penalty is that she’s here and, of course, she’ll be visited by her family easier,” ayon kay Usec. Eduardo De Vega, DFA.

Detention facility na paglilipatan kay Mary Jane Veloso, pinag-uusapan pa—DFA, DOJ

Kaugnay rito, inihayag ng DFA official na pinag-uusapan na ng pamahalaan ang posibleng detention facility na maaaring lipatan ni Veloso kapag makabalik ng Pilipinas.

“Pag-uusapan pa iyan. Of course, We’d like to think and I will turn over to DOJ there that she will not be detained here along with those convicted of heinous crimes. There’s an option,” ani De Vega.

“So that is a discussion that is still being made in the Department of Justice as to where she could be detained. The Secretary has already given instructions to the National Bureau of Investigation if ever and when Mary Jane Veloso would be coming home to pick her up and bring her to the detention center,” wika ni Asec. Mico Clavano, DOJ.

Gayunpaman, tinitingnan aniya nila ang Correctional Institute for Women sa Mandaluyong bilang posibleng pasilidad na maaaring ilipat si Veloso.

Sa tanong naman kung kailan talagang makababalik si Mary Jane Veloso sa bansa, ang sagot ng DFA:

“Well, our President spoke, and there must be a reason for his optimism. Remember, he’s friends with the president—I will not speculate or [unclear] because we don’t want na mabulilyaso ito, you know, talks with Indonesia. They do know we want her as soon as possible and Christmas,” dagdag ni De Vega.

Indonesia, walang hininging kondisyon o kapalit kaugnay ng inaasahang pagpapauwi kay Mary Jane Veloso—DFA

Samantala, sinabi ni De Vera na maraming espekulasyon kung ano ang naging kapalit o kung ano ang kondisyon kaugnay ng inaasahang pagpapauwi kay Veloso.

Paglilinaw ng opisyal, walang hininging kapalit ang Indonesia kaugnay rito.

“They haven’t asked for anything. But of course, in the future, if they may, then certainly the Philippines will remember his gesture on the part of Indonesia for our Kababayan,”

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble