NAKASUNGKIT ng gold medal ang Pilipinas sa 9th Asian Winter Games sa Harbin, China na kauna-unahang medalya ng bansa naturang multi-sport event.
Napanalunan ng Philippine Men’s Curling Team ang gold medal matapos na talunin ang koponan ng South Korea sa iskor na 5-3.
Nagpanalo naman sa Men’s Curling Team ang puntos sa 7th at 8th end.
Dahil sa naturang panalo, tinapos ng Pilipinas ang Harbin 2025 na ikalimang pwesto sa gold medal tally.
Dinomina naman ng host country China ang naturang event na may 83 medals kabilang ang 32 gold. Sinundan ito ng South Korea, Japan at Kazakhstan.