PH Navy at Republic of Korean Navy, itataguyod ang rules-based order sa karagatan

PH Navy at Republic of Korean Navy, itataguyod ang rules-based order sa karagatan

NAGKASUNDO ang Philippine Navy at Republic of Korean Navy na itaguyod ang rules-based order sa karagatan at pagsunod sa international law partikular sa Indo-Pacific region.

Ito’y kasunod ng pulong nina Philippine Navy Flag-Officer-in-Command Vice Admiral Toribio Adaci, Jr. at Admiral Yang Yong-Mo, Chief of Naval Operations ng Republic of Korean Navy Sajinhae Naval Base, Republic of Korea.

Sa pulong ng dalawang opisyal, kapwa nila ipinahayag ang pagnanais na palakasin ang relasyon ng Philippine Navy at Republic of Korean Navy.

Nagpasalamat din si Adaci sa Republic of Korean Navy sa suporta nito sa capacity building efforts ng Philippine Navy.

Habang sa Sajinhae Naval Base, binigyan si Adaci ng tour sa Type-214 1,800-ton class submarine (Roks Yun Bong-Gil SS-077) at sa Submarine Integrated Training Center.

Ininspeksiyon din ni Adaci ang Pohang Class Corvette (Roks Andong) na inaasahang ililipat sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble