PH Navy at US Navy, nagsagawa ng passing exercises sa West PH Sea

PH Navy at US Navy, nagsagawa ng passing exercises sa West PH Sea

NAGSAGAWA ng passing exercises (PASSEX) ang BRP Conrado Yap (PS39) ng Philippine Navy at ang USS Gabrielle Giffords (LCS10) ng United States Navy sa West Philippine Sea (WPS) kahapon.

Ito ay bilang bahagi ng tatlong araw na maritime cooperative activity (MCA).

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Colonel Xerxes Trinidad, matagumpay na naisagawa ang pagsasanay sa kanluran ng Lubang Island.

Layunin ng pagsasanay na masubok ang kakayahan sa komunikasyon ng Philippine Navy at US Navy para sa “real-life scenarios.”

Ipinakita sa maritime activity ang pangako ng AFP at Indo Pacific Command sa alyansa ng Pilipinas at Amerika at pagpapanatili ng regional stability at security alinsunod sa international law at sa rules-based international order.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble