PH Navy, umaasa na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang AFP modernization program

PH Navy, umaasa na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang AFP modernization program

UMAASA ang Philippine Navy na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization program.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Offshore Combat Force Commander Commodore Joe Anthony Orbe na inaasahan nila na patuloy na ipaprayoridad ng susunod na administrasyon ang programa dahil ito ay suportado ng batas.

Abril 2022, una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaring maging problema ang pagpopondo sa Horizon 3 ng programa dahil mas sopistikado ang mga asset na makukuha, tulad ng mga fighter planes at submarines.

Base sa partial at unofficial tally ng COMELEC, nangunguna pa rin sa presidential race si dating Senator Bongbong Marcos Jr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter