KASALUKUYANG Rank No. 75 ang Philippine passport ayon sa ulat ng Henley Passport Index.
Bumaba ito ng dalawang rankings kung ikukumpara sa inilabas nilang ulat noong Hulyo 2024.
Nananatili namang nasa 67 mula sa 227 destinations ang maaaring bisitahin na visa-free gamit ang Philippine Passport.
Samantala, nananatiling Singaporean passport ang Rank No. 1 sa 2025 rankings at may access ito sa 195 visa-free destinations.
Sinundan ito ng Japan na may access sa 193 destinations.
Pinakadulo naman sa rankings ang Afghanistan na may access lang sa 26 na visa-free destinations.
199 na iba’t ibang passport ang kasali sa rankings na ito ng Henley Passport Index.