Ph Red Cross, nagbigay tulong sa mga displaced Himamaylanons

Ph Red Cross, nagbigay tulong sa mga displaced Himamaylanons

TINULUNGAN ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga Himamaylanon na nawalan ng tirahan dahil sa armadong labanan kamakailan, bilang bahagi ng kanilang strong commitment sa pagbibigay ng pag-asa sa mga nangangailangang mamamayan.

Sa pamamagitan ng PRC Negros Occidental – Bacolod City Chapter, nagbigay ito ng humanitarian support sa mga lumikas na pamilya ng Brgy. Carabalan, Himamaylan City sa Negros Occidental, na kasalukuyang sumilong sa mga evacuation center matapos kubkubin ng armadong labanan ang lungsod noong Oktubre 6, 2022.

Ayon kay PRC Chairman at Chief Executive Officer sabi ni Richard J. Gordon tinatayang nasa 2,741 indibidwal naman ang naapektuhan ng insidente at lima katao ang nasawi.

Naghatid ng hotmeals ang PRC Negros Occidental-Bacolod City Chapter sa 228 indibidwal, bitamina sa mahigit 150 pamilya, at face mask sa 765 indibidwal.

Bukod pa riyan nagbigay tulong pangkalusugan din ang PRC sa mga apektadong pamilya kabilang na dito ang psychological first aid (PFA) at child-friendly spaces (CFS) sa ilalim ng psychological support program (PSP) upang matiyak na ang mga apektadong indibidwal, lalo na ang mga bata, ay makatatanggap ng kinakailangang tulong upang makayanan ang sitwasyon.

 

Follow SMNI News on Twitter