PH surgeons, nagsagawa ng libreng medical operations

PH surgeons, nagsagawa ng libreng medical operations

NAGSAGAWA ng libreng medical operations ang Philippine College of Surgeons (PCS).

Nagsanib-puwersa ang mahigit 300 miyembro ng medikal na komunidad na kinabibilangan ng mga surgeon, anesthesiologist, nars, at iba’t ibang healthcare practitioner ngayong Miyerkules Setyemre 6.

Ito ay upang magbigay ng libreng surgical procedure at pangangalagang medikal sa mga kapus-palad na pasyente sa buong bansa.

Ito ay sinimulan dakong ika-siyam ng umaga nang sabay-sabay sa iba’t ibang operating room sa parehong pribado at pampublikong ospital sa buong bansa na tinaguriang “Operasyon para sa Sambayanang Pilipino”.

Ayon kay Philippine College of Surgeons (PCS) President, Dr. Maria Concepcion C. Vesagas, halos 100 pribado at pampublikong ospital ang sumali sa simultaneous surgical operations.

Ginawa ito sa pamamagitan ng zoom at na-broadcast nang live sa PCS Facebook page.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble