PH Team, pinuri ng FIFA matapos makasama sa unang pagkakataon sa World Cup

PH Team, pinuri ng FIFA matapos makasama sa unang pagkakataon sa World Cup

PINAPURIHAN ng The International Federation of Association Football (FIFA) ang ‘Philippine Women’s Football Team’ dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.

Kabilang ang Pilipinas at 7 bansa na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia na unang sasabak sa World Cup.

Hinikayat naman ni FIFA Gen. Secretary Fatma Samoura ang mga manlalaro na ipagmalaki ang kanilang kakayahang magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan.

Gaganapin ang FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand mula Hulyo 20 – Agosto 20.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter