Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project, bubuksan na bukas, Nov. 16

Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project, bubuksan na bukas, Nov. 16

ARAW ng Biyernes, pinasinayaan ang partial operations ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension Project (L1CE) Phase 1 sa Dr. Santos Station sa Sucat, Parañaque City.

Isa umano itong malaking milestone sa paggawa ng makabagong transport system sa Pilipinas.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 ay ang unang railway project na bubuksan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ang Phase 1 ng proyekto ay sumasaklaw sa unang limang istasyon: Redemptorist-ASEANA, Manila International Airport Road, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos (dating Sucat).

Ito ay nakatakdang maging operational simula Sabado, Nobyembre 16 at inaasahang magsisilbi ng karagdagang 80,000 pasahero araw-araw.

Mag-uumpisa ang operasyon ng Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension mula 5 AM hanggang 10 PM.

Kapag fully operational na o bubuksan na rin ang karagdagang tatlong istasyon, ay inaasahang mababawasan nito ang oras ng biyahe sa pagitan ng Baclaran at Bacoor, Cavite: mula isang oras at 10 minuto, ay magiging 25 minuto na lamang.

Inaasahang makatatanggap din ng karagdagang 300,000 pasahero araw-araw sa unang taon ng full operations ang proyekto at maibsan ang kalagayan ng trapiko sa mga lungsod ng Parañaque, Las Piñas, at Bacoor, Cavite.

Ang L1CE Project ay pinondohan sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) arrangement.

Samantala, nagpasalamat ang Pangulo sa mga naunang administrasyon at kinilala ang kanilang pagsisikap sa pagsusulong ng proyektong LRT 1 Cavite Extension.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble