KUMPLETO na ang Phase 1 ng National Fiber Backbone Project na inaasahang magiging susi para sa mas malakas na internet connectivity sa bansa.
Ayon ito sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ang Phase 1 ay may haba na 1,245 kilometers na nagmumula sa Ilocos Norte hanggang Quezon City.
Sa plano ng DICT, ang Phase 2 at 3 ay nais nilang makumpleto ngayong 2025.
Habang ang Phase 4 hanggang Phase 6 ay sa susunod pang mga taon.