Phil. Army, umiwas sa usapin ng paghingi ng suporta ni Senator Dela Rosa sa mga dating heneral para sa seguridad ni VP Sara

Phil. Army, umiwas sa usapin ng paghingi ng suporta ni Senator Dela Rosa sa mga dating heneral para sa seguridad ni VP Sara

NO comment lamang ang isinagot ng Philippine Army matapos na kunan ng pahayag ang kanilang tanggapan nang manawagan si dating PNP Chief at ngayo’y Sen. Ronald Bato dela Rosa sa mga dating heneral at opisyal ng PNP at AFP para kay Vice President Sara Duterte.

Iginiit din ng opisyal ang kanilang pag-iwas sa usapin ng politika.

“No comment. Medyo political kasi,” ayon kay Col. Louie Dema-ala Spokesperson, Philippine Army.

Nag-ugat ang panawagan na ito ni Sen. Bato, matapos na alisan ng security detail si Vice President Sara Duterte mula sa utos ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil.

Ani Dela Rosa, kailangan ng dagdag na seguridad at proteksiyon ang pangalawang pangulo ngayong kakaunti na lamang ang nagbabantay sa bise presidente.

Sa kabila naman ng mga panggigipit kay VP Sara, muling pinatunayan ng maraming Pilipino ang kanilang suporta rito at sinabing handa silang mag-volunteer para bantayan ang pangalawang pangulo.

Iginiit din ng publiko na walang ibang pwedeng sisihin kundi ang PNP sakaling may mangyaring hindi maganda kay VP Sara.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble