TAGUMPAY na naiuwi ng Philadelphia 76ers ang panalo matapos nitong talunin ang Brooklyn Nets sa kanilang pangalawang paghaharap ngayong 2023 playoffs, sa score na 96–84.
Nagawang magpakitang-gilas ang batang guard ng Sixers na si Tyrese Maxey na nag-ambag ng 33 points, na siyang sumentro ng opensa ng koponan.
Habang pinangunahan naman nina Joel Embiid at Tobias Harris ang kanilang depensa sa kanilang double-double performance.
Bagaman natalo ang Nets ay nagawa naman nitong makuha ang 49 pts na combined scores nina Cameron Johnson at Mikal Bridges.
Dahil sa panalo, hawak na ng Sixers ang 2-0 lead laban sa Nets sa 7-game series ng first round ng playoffs.