PhilHealth CEO Morales, sasailalim sa medical leave sa susunod na linggo

PhilHealth CEO Morales, sasailalim sa medical leave sa susunod na linggo

INIHAYAG ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Chief Executive Officer at President Ricardo Morales na nais niyang sumailalim sa medical leave sa susunod na linggo.

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung makalalahok ito sa pagdinig sa Senado sa Agosto 18.

Ani morales, ang medical leave ay para sa gagawing chemo therapy para sa kanyang lymphoma.

Ito rin ay base sa suhestyon ng kanyang doktor na dapat siyang sumailalim sa medical leave para sa kanyang medical condition.

Samantala, hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga opisyal ng PhilHealth na mag-leave habang ginagawa ang imbestigasyon ng Senado.

Ani Drilon, maaari kasi nilang makuha ang mga dokumento kung patuloy silang nagtatrabaho habang ginagawa ang imbestigasyon.

Dagdag pa ni Drilon, kahit ilang pangulo na ang nagdaan, nagyayari pa rin ang katiwalian sa ahensya.

Matatandaang, tinanong ni Drilon ang pagbibigay ng ahensya ng COVID-19 reimbursement funds sa mga medical facility na walang pasyente nang nasabing virus.

Kabilang din sa mga tinanong ng mga senador ang pagbili ng mga ito ng overpriced equipment at software.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.