PhilHealth Chief Morales, inirekomendang isama sa sasampahan ng kaukulang kaso

PhilHealth Chief Morales, inirekomendang isama sa sasampahan ng kaukulang kaso

IREREKOMENDA ng Senado na masampahan ng kaukulang kaso ang mga top official ng PhilHealth dahil sa isyu ng irregularidad at korupsiyon sa ahensya.

Ayon kay Senator Panfilo Ping Lacson, ilan sa mga opisyal na maaaring sampahan ng kaso ay sina PhilHealth Chief Ricardo Morales, Fund Management Sector Senior Vice President Renato Limsiaco Jr., Senior Vice President and Chief Information Officer Jovita Aragona, at si Senior ICT Officer Calixto Gabuya.

Ayon kay Lacson, malversation, perjury, violation ng Anti- Graft and Corrupt Practices Act at Violation of the National Internal Revenue Code ang maaaring isampa sa mga nasabing opisyal.

Ang mga kaukulang kaso ay dahil aniya sa mga irregularidad sa pagre-release ng Interim Reimbursement Mechanism o IRM funds ng ahensya sa mga ospital

Paliwanag ni Lacson, ang pag-release ng mahigit P14 billion na pera mula sa IRM ng ahensya ay illegal gayong nakalagay sa Circular 2020-0007 nito na ang affectivity ng IRM ay sa buwan pa ng Hunyo pero nag-release na ang ahensya ng IRM funds noon pang buwan ng Marso.

Hindi rin aniya kasama sa fortuitous event ang mga dialysis centers pero nakakuha ng P226 million mula sa IRM.

Isa rin aniyang paglabag ay ang hindi pagbabayad ng tax mula sa IRM.

Samantala, pinababasura ni Public Accounts Chairman Mike Defensor ang Interim Reimbursement Mechanism o IRM at ang all case rate system ng PhilHealth at dahil ito umano ang pulot dulo ng korupsiyon sa state insurer.

Ayon kay Defensor, sa all case rate system nagmumula ang “evil and corruption” sa PhilHealth na umabot narin sa pagpapatupad ng IRM.

Sa case rate system, mas malaki ang nababayad ng PhilHealth kaysa sa actual cost ng nagastos ng isang ospital kaya luging-lugi dito ang gobyerno.

Sa halip na ibatay sa package rates, mungkahi ni defensor na ang actual cost lamang ang dapat bayaran ng PhilHealth para sa hospitalization, treatment at gamot ng pasyente.

Sa pagtaya ng COA, nasa P154 billion sa loob ng anim na taon o mula 2013-2018 ang overpayment ng PhilHealth sa ilalim ng case rate system.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.