AYON kay Dr. Willie Ong, ang layunin ng PhilHealth ay magbigay ng tulong sa mga miyembro, hindi mag-ipon ng pera tulad ng isang bangko. Dapat nakatuon ito sa kapakanan ng mga tao.
“Ang goal dapat ng PhilHealth ay magbigay ng pera sa members at mahihirap. Hindi ang mag-ipon ng pera para purihin kayo na ‘Wow, ang galing mag-ipon at mag-invest ng PhilHealth. What a healthy Government-Owned and Controlled Corporation. Dami pera.”
“Hindi bangko ang PhilHealth, ‘yan ang fundamental mindset ng PhilHealth leadership na taliwas sa gusto ng tao,” pahayag ni Doc Willie Ong – 18 December 2024