IPINAHAYAG ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang dapat malaman ng mga Pilipino is nag-hemorrhage ang bansa ngayon.
“Tingin ko ang mas mabigat na problema na dapat malaman ng Pilipino is nag-hemorrhage ang country. Pati ‘yung PhilHealth nga na hindi sa gobyerno, contribution natin iyan.”
“Government malversed the money of the people. Ginamit mo ang pera? Even the Congress cannot do that. Trust fund iyon eh. Galing sa inyo ‘yun pati akin. Contribution iyan natin para ‘pag magkasakit ka ng cancer, may pampa-opera ka.”
“Ang ating PhilHealth funds was about 89 billion. Of that P89 billion, P27 billion na lang ang natira. Eh papaano iyan? Bakit nila pinakialaman?” pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.