HINDI nag-aalok ng loan ang PhilHealth para sa kanilang mga miyembro.
Ang inaalok nila ayon sa PhilHealth ay immediate benefits at services para sa medical condition o surgical procedure ng isang member.
Kasunod ito sa article na nai-post ng isang online lending company na bukas umano ang state health insurer sa loan applications.
Ngayon, hinihikayat ng PhilHealth ang publiko na bisitahin ang kanilang official website at iba pang social media accounts upang lehitimong makakuha ng impormasyon.