PhilHealth, magbabayad ng initial na P265-M sa kanilang utang sa PRC

NAKATAKDANG magbayad ang PhilHealth ng inisyal na P265 milyon sa kanilang utang sa Philippine Red Cross ngayong linggo.

Ito ay matapos muling lumobo ang kanilang COVID-19 swab testing debt sa halos isang bilyong piso.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Balena, ihinahahanda na nila ang kanilang bayad na 112 milyong at minamadali na rin ang panibagong batch ng payment bago matapos ang linggo.

Sinabi ni Balena na walang isyu sa kakayahan ng PhilHealth na magbayad pero kailangan aniya nila na tingnan ang bawat claim na isinusumite ng PRC.

Dagdag pa ni Balena, nasa P103.4 milyong halaga na ng claims ang naibalik sa PRC para sa compliance.

Oktubre noong nakaraang taon nang itinigil ng PRC ang kanilang testing matapos mabigo ang PhilHealth na bayaran ang kanilang utang na isang bilyong piso.

Sa isang Tweet noong Lunes, sinabi ni Senador Richard Gordon na umaasa ang PRC na babayaran ng PhilHealth ang kanilang utang bago pa magkaroon ng “part 2” ang isyu.

SMNI NEWS