PhilHealth, papanagutin din sa Kamara dahil sa mga nadiskubreng katiwalian sa ahensya

PhilHealth, papanagutin din sa Kamara dahil sa mga nadiskubreng katiwalian sa ahensya

DAPAT papanagutin din sa Kamara ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos madikubre ang mga isyu ng katiwalian sa ahensya na lumitaw sa pagdinig sa Senado.

Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, nakakagulat ang rebelasyon na paubos na pala ang pondo ng PhilHealth at hanggang 2021 na lamang ang budget nito.

Ani Vargas, limang buwan pa lamang nang tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa subalit paubos na ang budget ng PhilHealth, ang state-owned insurance company, kaya dapat aniyang managot ang mga nasa likod ng katiwalian nito.

“Only five months have passed since the pandemic hit us. The cancer of corruption within Philhealth has been going on for so long. It is appalling to think that millions of Filipinos are unable to access quality healthcare because some government officials are making PhilHealth their cash cow.” Rep. Alfred Vargas

 

Giit pa ni Vargas na nakalulungkot na maraming Pilipino ang hindi naaabot ng de-kalidad na healthcare service pero ang ilang mga opisyal ng gobyerno ay matagal nang ginagatasan ang taumbayan gamit ang PhilHealth.

PHOTO JOB

Punto pa ni Vargas, dapat managot ang mga responsable sa pagpapabayang ito.

Para naman kay House Minority Leader Benny Abante, dapat aniyang ipinagbigay alam agad ng PhilHealth sa Kongreso na wala na itong pondo para agad na madagdagan ito ng Kongreso.

“We are shocked, however, by admissions that its funds will dry up by next year. This information should have been relayed to Congress so that funds meant for Covid-19 response could have been allocated to augment the resources of PhilHealth. ” Rep. Benny Abante

 

Woodprofit

Para naman kay Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, malinaw na may mis- management sa pondo ng PhilHealth. Ang pondo na aniya ay dapat sanang napapakinabangan ng maraming Pilipino lalo na ngayong pandemya.

Ayon kay Salceda, noong 2018 pa lamang- nasa P65 bilyon na halaga ng premiums ang ibiniyad ng formal sector sa PhilHealth subalit nasa P26 bilyon halaga ng claims lamang ang naibigay sa mga miyembro nito.

Malinaw aniya ito na batayan na hindi naging maayos ang sistema sa PhilHealth.

“In 2018 alone, the formal sector paid P65 billion in premiums but only received around P26 billion in claims. To say that Philhealth is now struggling with sustainability is to suggest that during these years when Philhealth premiums exceeded claims, not enough was done to strengthen the GOCC’s financial position. ” Rep. Joey Salceda

 

Sa parte aniya ni Salceda bilang Chairman ng Committee on Ways and Means, ibinigay nila ang lahat ng suporta para mapag-ibayo ang healthcare system ng bansa.

“On my part, I have done my unstinting best to raise sin taxes for universal health care. I have supported every major reform of the health care sector, and have proposed reforms to lower the system costs of healthcare.” Rep. Joey Salceda

 

Hindi aniya nagkulang ang Kongreso sa pagbibigay ng legislative reform sa sektor ng kalusugan kaya panahon na upang tumbasan ng PhilHealth ang kanilang trabaho.

“We’ve been doing our jobs and have handed them almost every legislative reform they request. It’s time they do their jobs well.” Rep. Joey Salceda

 

Para naman kay House Committee on Health Angelina Tan, nakakapanlumong malaman na paubos na ang pondo ng PhilHealth gayong paumpisa pa ang roll out ng Universal Healthcare Act.

“PhilHealth‘s statement regarding its fund depletion is enormously alarming considering that we are just about to roll out the implementation of the Universal Health Care Act, a commitment that we have made to all Filipinos.” Rep. Angelina “Helen” D.L. Tan, M.D.

 

Duda naman ang kongresista kung saan napunta ang pondo ng ahensya gayong bumaba ang utilization rate ng ilang benefit packages ngayong may COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.