PhilHealth, posibleng hindi na aabot ng 2022 dahil sa COVID-19

PhilHealth, posibleng hindi na aabot ng 2022 dahil sa COVID-19

POSIBLENG tuluyan nang mawala ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth pagdating ng 2022 dahil sa malaking halagang pagkawala ng mga kontribusyon mula sa mga miyembro dahil sa COVID-19 crisis.

Ito ang naging pahayag ng Senior Vice-President ng Data Protection Office ng PhilHealth na si Nerissa Santiago sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole laban sa mga iregularidad sa PhilHealth.

Ayon kay Santiago P90-billion na aniya ang net operating loss ng ahensya at pagdating ng 2021, kung magpapatuloy pa rin ang COVID-19 pandemic, ay posibleng pumalo na sa P147-billion pesos ang kanilang net operating loss.

Paliwanag pa ni Santiago mas malaki pa ang nailalabas nilang benefit payouts kaysa ang ibinabayad ngayon ng mga member dahil sa narararanang krisis na kung saan sa taong 2021 ay baka humantong na sa Red Alert ang ahensya.

Aniya kung walang tulong na magmumula sa gobyerno ay babagsak ang Philhealth sa darating na 2022.

Una nang sinabi ni PhilHealth Board Director Alejandro Cabading sa unang bahagi ng pagdinig na kung hindi matutuldukan ang korupsyon sa ahensya ay posibleng ngayong taon pa lamang ay maubos na ang pondo ng ahensya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.