PhilHealth President Ricardo Morales, nakatakdang magbitiw sa puwesto

PhilHealth President Ricardo Morales, nakatakdang magbitiw sa puwesto

NAKATAKDA nang magbitiw sa kanyang pwesto si Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth President and CEO Ricardo Morales.

Kinumpirma mismo ito ni Morales sa isang panayam.

Ayon kay Morales, isusumite na niya kay Executive Secretary Salvador Medialdea ang kanyang resignation letter.

Kinumpirma rin nito na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang humiling ng kaniyang pagbibitiw dahil sa kanyang health condition.

Ang nakatakang pagbibitiw ni Morales ay sa gitna na rin ng kinakaharap na imbestigasyon ng PhilHealth dahil sa isyu ng korupsiyon.

Samantala, kinumpirma naman ni PhilHealth Senior Vice President for Legal Sector Jojo del Rosario na nagsumite na siya ng irrevocable resignation na epektibo noong Agosto 24.

Ayon kay Del Rosario, naging stressful para sa kanya ang nagdaang mga araw.

Bunsod aniya ito ng mga character assassination at trial by publicity na kanyang naranasan.

Sinabi rin ng opisyal na masyado ring mabigat para sa kanya ang ipinataw na anim na buwang suspensyon ng Office of the Ombudsman kasama ang iba pang opisyal.

Dagdag pa nito, malaki ang naging epekto ng kanyang trabaho sa PhilHealth sa kaniyang kalusugan at maging ang oras niya sa pamilya ay apektado.

Kasalukuyang nahaharap ngayon sa mga imbestigasyon ang PhilHealth kasunod ng umano’y malawakang korupsiyon sa ahensiya.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.