PhilHealth Senior VP for Operation Augustus de Villa, nagbitiw na

PhilHealth Senior VP for Operation Augustus de Villa, nagbitiw na

NAGBITIW na sa kanyang posisyon bilang PhilHealth Senior Vice President for Operations si Retired General/Dr. Augustus de Villa.

Isinumite ni De Villa ang kanyang irrevocable resignation kay PhilHeath President & CEO Ricardo Morales ngayong araw.

Nagpadala rin ito ng kopya ng kanyang resignation letter kay Senate President Tito Sotto.

Cosmoswithlove

Sa resignation letter ni Augustus de Villa, sinabi nito na alam na ni Morales ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

Tiniyak naman ng retired general na mananatili siyang available sa isinasagawang imbestigasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa umano’y korupsyon sa PhilHealth.

Umano’y ugat ng korupsyon sa PhilHealth, tinukoy ng PACC

Tatlo ang pinanggagalingan ng korupsyon sa PhilHealth.

Ito ang inihayag ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica sa panayam ng SMNI News.

Para sa mga empleyado, naglalagay aniya ito ng mali-maling information sa system.

Sa mga hospital naman ani Belgica, pinapalala ang mga sakit ng pasyente sa record para mas malaki ang babayaran ng PhilHealth.

Samantala, sa mga members naman, nag-iinput din ito ng pekeng mga dokumento.

Ang ahensya din aniya ay walang validating system para i-confirm kung totoo ang mga impormasyon na ipinapasok dito.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang iniimbestigahan ang naturang isyu sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.