TUMATANGGAP ang Land Transportation Office (LTO) ng Philippine Identification (PhilID) card at printed ePhilID bilang valid proof of identification para sa mga transaksyon sa ahensiya.
Ito ang binigyang paglilinaw ng LTO kasunod sa reklamong natanggap nito na may opisina silang hindi tumatanggap ng PhilID at ePhilID.
Pinaalalahanan din ni LTO chief asec. Jay Art Tugade ang kanyang mga tauhan at empleyado na sumunod sa LTO Memorandum Circular No. 2021 – 2272 na inalabas noong Hulyo 2021.
Pagmumultahin naman ng P500,000 ang sinumang empleyado ng LTO na hindi tatanggap ng nasabing ID.