HANDANG makipagtrabaho ang Philippine Air Force (PAF) sa administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. para sa pagpapatuloy ng modernisasyon.
Ayon kay PAF spokesperson Col. Maynard Mariano, maghapon at magdamag na nagtatrabaho ang Technical Working Group para makapag-presenta ng mabuting proyekto at solution sa mga hamon na kinahaharap para sa modernisasyon ng PAF.
Ito ang inihayag ng PAF matapos sabihin ni Pangulong Marcos na mas magiging malakas, malawak at epektibo ang PAF sa kanyang pamumuno.
Tiniyak ito ni Pangulong Marcos sa kasagsagan ng 75th Founding Anniversary ng Clark Airbase sa Mabalacat City, Pampanga noong Hulyo 1.
Ipinangako rin ni Pangulong Marcos na itutuloy ang kasalukuyang defense initiatives para sa ligtas, progresibo at malayang bansa.
Dadagdagan din ni Pangulong Marcos ang mga “state-of-the-art” fighter planes at iba pang armas ng PAF.