ANIM na aircrafts at helicopters ang naideploy ng Philippine Air Force bilang hakbang sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng.
Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, layunin nito na mabilis na maipadala ang mga relief goods pati ang mga PAF personnels na tutulong sa mga nasalanta.
Maliban dito malaking tulong din ang PAF sa gagawing search and rescue operations at sa assessment and analysis sa naging damage ng bagyo.