Philippine Ambassador, pinuri ang suporta sa overseas voting sa Singapore

Philippine Ambassador, pinuri ang suporta sa overseas voting sa Singapore

PINURI ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph del Mar Yap ang Filipino Community sa Singapore.

Ito’y dahil sa aktibong partisipasyon ng mga overseas Filipino sa 2022 overseas voting.

Umabot sa 62.33 porsiyento ang voter turnout sa Singapore na may 52,908 ang bilang ng bumoto mula sa 84,877 bilang ng mga nakarehistro.

Ayon kay Yap, ito na ang pinakamataas na voter turnout na na-irekord mula noong mag-umpisa ang overseas voting sa taong 2004.

Lubos ding nagpasalamat si Yap sa Filipino volunteers na nagsilbi bilang traffic and crowd control maging ng mga poll watchers at Filipino media na nag-cover sa eleksyon.

Follow SMNI News on Twitter