Philippine Azkals, bigong umusad sa ASIAN football confederation under 23 ASIAN Cup qualifiers

Philippine Azkals, bigong umusad sa ASIAN football confederation under 23 ASIAN Cup qualifiers

BIGONG umusad sa ASIAN football confederation under 23 ASIAN Cup qualifiers ang Philippine Azkals.

Tinapos ng Philippine Azkals ang kanilang kampanya sa nagpapatuloy na ASIAN football confederation under 23 ASIAN Cup qualifiers sa Singapore.

Tinalo ng Timor Leste ang koponan matapos maka-iskor ni Zenivo Conceicao Mota sa 89th minute ng kanilang game na nagbigay daan sa iskor na 1-0.

Dahil sa panalo ng Timor, nagbigay ito ng 0-3 win-loss standing sa Azkals at bigong pagpasok sa inaasam na 2022 ASIAN Cup.

Magugunita na una ng tinalo ang koponan ng bansa ng defending champion na South Korea at host country na Singapore.

SMNI NEWS