Philippine Chamber of Commerce and Industry nag-courtesy call sa OVP

Philippine Chamber of Commerce and Industry nag-courtesy call sa OVP

BINISITA ng mga opisyal at board members ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang Office of the Vice President (OVP) noong nakaraang buwan upang personal na maimbita sa kanilang Philippine Business Conference and Expo.

Ang PCCI ay isa sa pinakamalaking organisasyon ng mga negosyante na mayroong mga miyembro sa lahat ng rehiyon ng bansa na halos binubuo ng Micro, Small and Medium Sized Enterprises (MSMEs).

Sa unang pagkakataon na mabisita nila ang OVP ay ipinakita sa kanila ang buong tanggapan nito.

Pinasalamatan naman ng OVP ang kanilang suporta sa trabaho at opisina ng bise presidente.

Inaasam ng OVP ang mas malalim na pakikipag-ugnayan sa kanilang organisasyon lalo na sa programang MagNegosyo Ta ‘Day kung saan nagbibigay ng pangunang puhunan at training sa iba’t ibang organisasyon at indibidwal upang mapalago ang kanilang mga negosyo.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble