Philippine Economic Briefing, isasagawa sa New York sa Estados Unidos

Philippine Economic Briefing, isasagawa sa New York sa Estados Unidos

NAKATAKDANG makipag-ugnayan ang mga economic managers ng Pilipinas sa business leaders, bankers, at investors sa pamamagitan ng isasagawang Philippine Economic Briefing (PEB).

Gaganapin ang Philippine Economic Briefing sa New York sa Estados Unidos ngayong araw, Setyembre 22.

Una nang naging matagumpay ang takbo ng PEB sa Singapore sa state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa nasabing bansa kamakailan.

Sa PEB New York, pangunahing tututukan ang economic at industry updates, na pangungunahan nina Secretary Benjamin Diokno ng Department of Finance (DOF) at Secretary Alfredo Pascual ng Department of Trade and Industry (DTI).

Tatalakayin ng unang panel ang patungkol  sa economic development at outlook, fiscal management, budget priority, at business climate sa bansa.

Kabilang sa first panel ang Finance Chief kasama sina Budget Secretary Amenah Pangandaman, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Bangko Sentral Governor Felipe Medalla, at Ayala Corporation Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala.

Itatampok naman ng ikalawang panel ang may kinalaman sa Philippine trade and industry, tourism, transport, energy, at information and communications technology.

Kasama rito sa talakayan ang Presidente at CEO ng Aboitiz Equity Ventures na si Sabin Aboitiz, na siya ring pinuno ng Private Sector Advisory Council, upang ibahagi ang kanyang mga pananaw ukol sa investment opportunities.

Samantala, pagkatapos ng kanyang debut speech sa 77th session ng United Nations General Assembly (UNGA), ay ihahatid naman ni Pangulong Marcos ang pangunahing mensahe sa PEB New York at hihikayatin ang mga mamumuhunan na makibahagi sa muling pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang Philippine Economic Briefing New York ay ila-livestreamed  mamayang 9:00 PM Manila time.

Follow SMNI News on Twitter