Philippine Embassy sa Amerika, tutulong para sa maagang pag-deliver ng Pfizer vaccine sa bansa

TUTULONG ang Embahada ng Pilipinas sa Amerika upang mas maaga na maka-deliver ng bakuna sa bansa ang Pfizer.

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador sa Amerika na si Jose Manuel Romualdez.

Ayon kay Romualdez, dahil sa delay, maaring makakapag-deliver ng bakuna ang Pfizer sa gitnang bahagi pa ng taong 2021.

Sa kabila nito, inihayag ni Romualdez na maaring makakuha ng bakuna ang bansa nang mas maaga.

Bukod sa Pfizer, ani Romualdez, maaari ring makauha ang Pilipinas ng bakuna mula sa Johnson & Johnson.

Sa ngayon, aprubado na ng Food and Drug Administration ang Phase 3 clinical trial application ng Janssen sa bansa.

SMNI NEWS