Philippine Embassy sa Israel, pinaiiwas ang mga Filipino sa mga matataong lugar

Philippine Embassy sa Israel, pinaiiwas ang mga Filipino sa mga matataong lugar

MULING inabisuhan ng Philippine Embassy ang mga Filipino sa Israel na iwasang pumunta sa West Bank.

Sa inilabas na advisory ng Embassy, kasama sa mga lugar na pinaiiwasan ay ang Temple Mount, Damascus Gate, Al Wad Road, Musrara Road at ang paligid ng East Jerusalem.

Kasunod ito sa kasalukuyang tensiyon at sitwasyong pang seguridad sa Israel.

Ayon pa sa Embassy, iwasan din ang mga matataong lugar o mga lugar na kilala bilang tagpuan ng maraming tao.

Inabisuhan din nito ang mga kababayang nasa Israel na agad magtago o lumisan sa lugar kung may nangyayaring kaguluhan.

Pinaiiwas din nito ang pagkuha ng mga litrato o videos at maki-usyoso sa nagaganap na kaguluhan dahil delikado.

Follow SMNI NEWS in Twitter