Philippine Embassy sa Tokyo, nagbabala sa mga Pilipino ukol sa pagdami ng Influenza cases sa Japan

Philippine Embassy sa Tokyo, nagbabala sa mga Pilipino ukol sa pagdami ng Influenza cases sa Japan

PATULOY na tumataas ang bilang ng mga kaso ng trangkaso sa buong Japan, ayon sa advisory ng Embahada kaya pinapayuhan ang lahat na maging alerto at sundin ang mga sumusunod na rekomendasyon para sa kaligtasan.

Para maiwasan ang pagkalat sakit, pinapayuhan ang mga Pilipino na magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar at pampublikong transportasyon; maghugas nang madalas ng kamay; at magtakip ng bibig kapag umuubo o bumabahing.

Ang mga nakararanas ng lagnat, ubo, sipon, o panghihina ay hinihikayat na manatili sa bahay at magpahinga para hindi mahawa ang iba.

Mahalaga rin ang pagkain ng masustansyang pagkain at sapat na pahinga para mapalakas ang resistensya.

Ang mga nasa mataas na peligro ay dapat kumonsulta agad sa doktor.

Para sa mga Pilipinong may planong bumiyahe sa Japan, inirerekomenda ng embahada ang pagkakaroon ng travel insurance para sa mga emergency na pangangailangang medikal.

Para sa mga nangangailangan ng tulong, maaari silang makipag-ugnayan sa mga sumusunod na emergency hotline numbers na makikita sa screen.

Mga numero ng Philippine Embassy sa Japan

Philippine Embassy sa Tokyo – (+81) 080-4928-7979

Philippine Consulate General sa Osaka – (+81) 090-4036-7984

Philippine Consulate General sa Nagoya – (+81) 090-6580-6724

 

Follow SMNI NEWS on Twitter