Philippine Genome Center, ibinahagi sa isang infographics ang genome sequencing

Philippine Genome Center, ibinahagi sa isang infographics ang genome sequencing

IBINAHAGI ng Philippine Genome Center (PGC) kung bakit medyo matagal ang proseso ng genome sequencing.

Sa inilabas na infographics nito, ipinakita na ang ribonucleic acid o RNA extraction ay nagtatagal ng isa’t kalahati hanggang tatlong oras.

Aabot naman sa lima hanggang pitong oras ang library preparation, 48 hanggang 72 oras ang total running time ng sequencing.

Labingdalawa hanggang 24 oras naman ang tatakbuhin para sa data analysis.

Maliban pa sa mahabang oras na igugugol sa pagproseso, limitado lang din ang bilang ng sequencing at processing machines ng bansa  dahilan kung bakit tatagal ng ilang araw bago makuha ang resulta ng genome sequencing.

Philippine Genome Center, nangangailangan ng 100 milyong piso para sa Visayas at Mindanao

Nangangailangan ang satellite facilities ng Philippine Genome Center (PCG) sa Visayas at Mindanao ng tag-P50 milyon upang makapagsagawa ng genome sequencing ayon sa executive director ng University of the Philippines National Institute of Health (UP-NIH).

Sinabi ni UP-NIH Chief Dr. Eva Maria Cutiongco de la Paz na pinag-aralan ito kasama si PCG Executive Director Dr. Cynthia Saloma kung magkano ang pondong kakailanganin ng Visayas at Mindanao upang maisagawa ang genome sequencing at matukoy ang variants ng COVID-19.

Ayon kay Saloma, gagamitin ang pondo sa pagbili ng genome sequencing equipment upang makapag-sequence sa Visayas at Mindanao ng 50 samples kada linggo.

Susubukan din nilang  humingi ng pondo mula sa DOH at Department of Science and Technology (DOST) ngunit aniya ay handa naman silang tumanggap ng suporta mula sa kahit na sino.

Ani De Lapaz, ang planong ito ay upang mapalawak  ang kapasidad ng genome sequencing sa kalagitnaan ng pagtaas ng kaso ng mga bagong variant ng COVID-19.

SMNI NEWS