Philippine-made na tela para sa export quality workwear, inilunsad ng UNISOL

Philippine-made na tela para sa export quality workwear, inilunsad ng UNISOL

LIKAS na sa ating mga Pinoy ang pagiging fashionista, nakiki-in at hindi nagpapahuli sa uso.

Pero ang tanong—gawang Pinoy o likas bang atin ang mga damit na kadalasan nating isinusuot?

Alam niyo ba na kaya na nating makipagsabayan sa international brands kung kalidad lang ang pag-uusapan?

Kamakailan ay inilunsad ng Cebu-based workwear company na Uniform Solutions (UNISOL) ang kanilang bagong koleksiyon ng mga damit na nilikha gamit ang telang gawang Pinoy.

Ang chameleon set na akma para sa isang linggong office uniform ng mga taga-gobyerno.

Pwede rin ito sa private companies.

Gawa ang bagong chameleon set ng UNISOL sa Philippine Tropical Fabric (PTF).

Ang PTF ay mga telang ginamitan ng natural fibers na hinabi, tinahi o ginawa sa Pilipinas.

Halimbawa rito ay ang natural filaments mula sa saging, abaca, pinya at Philippine silk.

“It’s economical for us because it’s made from the byproducts and the waste products of the pineapple coming from the pulps,” wika ni Marcus Wong, Chief Operating Officer, UNISOL.

Hindi ito ‘yung mga traditional na Barong Tagalog at Filipiniana na ginamitan ng pinya at abaca fibers.

Dinevelop kasi ng UNISOL ng PTF para sa modern na mga damit kaya mas matibay ito kumpara sa ibang uri ng tela.

“It’s actually very comparable to what we have with traditional cottons, CVCs, and cotton. It’s also comparable to what we have in polyester as well,” pahayag ni Marcus Wong, Chief Operating Officer, UNISOL.

UNISOL ang pinaka-unang kompanya na tutulong sa mga ahensiya ng gobyerno na makasunod ang RA 9242 o ang Philippine Tropical Fabrics Law na nag-aatas sa lahat ng government agencies na gamitin ang PTF sa lahat ng government issued uniforms.

At ayon sa Founder at CEO na si Jonas Quilantang, malapit na rin nilang ma-perfect ang pag-develop ng telang gawa sa kawayan.

“We’re almost there with bamboo, so what is considered Philippine Tropical Fabric is a combination of pinya, bamboo, and abaca. It’s just so happened that pinya is the first we’ve perfected, but were working with bamboo and abaca,” wika ni Jonas Kee Quilantang, Founder and CEO, UNISOL.

Bukod sa matibay, affordable rin ang office uniforms na gawa sa PTF.

Kung ang UNISOL ang gagawa, pang-isang linggong office uniforms ang tampok ng kanilang chameleon set.

Nasa 1,000 wash cycles o higit apat na taon ang itatagal kung aaraw-arawin ang mga damit ng UNISOL na gawa sa PTF.

“The price range, it’s between P3,500, our chameleon sets starts with P3,500 and goes as high as P5,000 so it’s very affordable,” ani Jonas Kee Quilantang, Founder and CEO, UNISOL.

Iniuutos naman ng Civil Service Commission ang paggamit ng PTF sa office uniforms ng government workers na nakatatanggap ng clothing allowance.

Sakop ng PTF Law ang government-owned and controlled corporations, LGUS, state and local universities maging local water districts.

Layunin ng PTF na ituro sa mga kawani ng gobyerno ang nasyonalismo at pagiging makabayan.

Nais din ng batas na itaguyod ang pagtangkilik at paggamit ng mga produktong gawa sa bansa tulad ng tela.

Ipinababatid ng UNISOL na kaya na nating gumawa ng de-kalibreng workwear—mas matibay at mas maganda pa sa ibang foreign brands.

At para na rin ipakita sa buong mundo na no need nang mag-import ng raw materials para sa ating workwear at fashion industry.

UNISOL founder and CEO: Kaya nating ipakita sa mundo na mas matibay ang tela na gawang Pinoy

“Part of the challenges we have in UNISOL before was the availability of the raw materials. There’s not enough. Because we are reliant on exports so there’s no more supply available locally that we have to wait for a long time. But because of this opportunity, we get instance access with this raw material,” dagdag ni Quilantang.

Para sa karagdagang impormasyon sa PTF products ng UNISOL, maaaring bisitahin ang kanilang official website at social media pages.

“Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang gawang Pinoy. Go UNISOL!” ani Quilantang.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble