Philippine Marine Corps, ipinagdiwang ang ika-72 anibersaryo

Philippine Marine Corps, ipinagdiwang ang ika-72 anibersaryo

PINANGUNAHAN ni AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang wreath-laying ceremony sa Marine Heroes Monument sa Fort Bonifacio, Taguig City ngayong araw.

Ito ay bilang bahagi ng ika-72 anibersaryo ng Philippine Marine Corps na may temang “TEAM MARINES @ 72: Katuwang ng bawat Pilipino tungo sa mas mapayapa, maunlad, at nagkakaisang bansa.”

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Colonel Jorry Baclor, kabilang sa inihandang aktibidad ng Marines ay ang virtual triathlon, Race for our Heroes motorcycle edition and virtual triathlon, shoot fest, at golf tournament.

Layunin aniya nito na makalikom ng pondo para suportahan ang Wounded Warrior Program ng Marines lalo na ang medical, recovery, at reintegration support para sa  mga tauhan na nasugatan.

Gayundin ang educational assistance para sa mga dependent ng Marines na nasawi habang tinutupad ang tungkulin.

Follow SMNI NEWS in Twitter