BIBINYAGAN ng Philippine Navy ang dalawang bagong fast-attack interdiction craft-missiles (FAIC-MS) bukas.
Ayon kay Philippine Navy spokesperson Commander Benjo Negranza, pangungunahan ni AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang seremonya bilang keynote speaker.
Gagawin ang seremonya sa Naval Station Jose Andrada sa lungsod ng Maynila.
Papangalanan ang dalawang missile boat na BRP Nestor Acero (PB-901) at BRP Lolinato To-ong (PB-902) na binili sa Israel Shipyards Limited.
Nabatid na ang pagbili ng walong FAIC-M units na nagkakahalaga ng 10 bilyong piso ay kabilang sa inaprubahang proyekto sa ilalim ng Horizon 2 ng Revised AFP Modernization Program.