Philippine Navy, tumanggap ng Cessna Skyhawks mula sa Amerika

Philippine Navy, tumanggap ng Cessna Skyhawks mula sa Amerika

TINANGGAP ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang apat na Cessna 172S Skyhawk Trainer Aircraft mula sa Estado Unidos.

Isinagawa ang turnover, blessing at activation ceremony ngayong araw sa Sangley Point, Cavite na pinangunahan ni Lorenzana.

Lumahok din sa seremonya sina US Chargé d’affaires Heather Variava, AFP chief of staff General Andres Centino at Philippine Navy flag officer-in-command Vice Admiral  Adeluis Bordado.

Nagkakahalaga ng 2.2 milyong dolyar ang mga eroplano na nakuha ng Pilipinas sa ilalim ng US Foreign Military Financing Program.

Gagamitin ang mga bagong Cessna ng Naval Air Wing ng Philippine Navy.

Kinilala naman ni Lorenzana ang matatag na relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa matagumpay na acquisition program ng mga bagong eroplano.

Follow SMNI NEWS on Twitter