Philippine Pediatric Society President at kapatid ni Ruby Rodriguez, pumanaw na dahil sa COVID-19

ISA na namang doktor ang pumanaw sa gitna ng pakikipaglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Alas 6:00 kaninang umaga nang binawian na ng buhay dahil sa COVID-19 si Dr. Sally Gatchalian, Philippine Pediatric Society Inc. President at kapatid ng tv host na si Ruby Rodriguez.

Si Dr. Gatchalian ay kabilang sa mga doktor na nasa kritikal na kondisyon matapos mahawaan ng sakit habang nasa duty.

Kaugnay nito, sinabi ni Philippine Medical Association Former Assistant Secretary General Dr. Dennis De Guzman na umakyat sa 9 ang bilang ng mga nasawing doktor dahil sa COVID-19.

Kasama na aniya dito si Gatchalian na pinakabagong nasawi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.