Philippine Ports Authority, nagbabala sa mga indibidwal na ginagamit ang ahensiya para mag-solicit

NAGBABALA ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga indibidwal na walang pakundangang ginagamit ang ahensiya at opisyal nito para magsagawa ng solicitation ito man ay in cash o in kind.

Sinabi ng PPA na wala itong ini-authorize na mga kompanya o indibidwal upang mag-solicit ng mga donasyon ng in cash o in kind gamit ang pangalan ng general manager o sinomang mga executive officers o port official sa buong bansa.

Sinomang mga indibidwal o kompanya na gumagamit ng pangalan ng Ports Authority o sa sinomang opisyal nito ay mahaharap ng karampatang kaso.

Hinihikayat naman ng ahensiya ang publiko na isangguni ang nasabing aktibidad direkta sa Office of the General Manager sa pamamagitan ng mga numerong ito: (02) 85274844; (02) 85274856 o sa email, [email protected].

Ito ay upang matigil ang mga nasabing indibidwal na samantalahin ang sitwasyon ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa.

SMNI NEWS