Philippine Red Cross patuloy ang pagtulong sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon

Philippine Red Cross patuloy ang pagtulong sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon

PATULOY ang pagbibigay ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga residenteng biktima ng malakas na lindol sa Northern Luzon.

Sa ngayon nakatutok ang pwersa ng PRC sa Abra kung saan namahagi ito ng hot meals sa mahigit na 200 residente na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.

Maliban sa hot meals, namahagi rin ang mga volunteers ng PRC ng basic hygiene kits sa mga apektadong mamamayan at binuksan ang first aid at welfare station para sa mga evacuees na kailangang matutukan ang blood pressure at daily maintenance.

Kaugnay nito nanawagan ang PRC-Abra Chapter sa mga nais magpadala ng anumang tulong na maaring pakinabangan ng mga biktima.

 

Follow SMNI News on Twitter