PSC, nakatanggap ng P256.38-M mula sa PAGCOR

PSC, nakatanggap ng P256.38-M mula sa PAGCOR

NAKATANGGAP ang Philippine Sports Commission (PSC) ng 256.38 million pesos mula sa Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR).

Nitong Huwebes, January 19 nang ibinigay ito ng PAGCOR.

Ang naturang halaga ay mandatory contributions ng PAGCOR sa PSC para sa buwan ng November 2022 na nagkakahalaga ng 124.45 million pesos at December 2022 na nagkakahalaga ng 131.93 million pesos.

Personal na ibinigay ni PAGCOR chair at CEO Alejandro Tengco ang mga tseke kay PSC chairman Richard Bachmann.

Ang naturang pera ay maaaring magagamit para sa mga atleta na sasabak o sasali sa 32nd Southeast Asian Games.

Follow SMNI NEWS in Twitter