NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng mas malakas pa ang susunod na pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Sa kanilang monitoring, nagpapatuloy ang degassing at ash emissions mula sa naturang bulkan.
Isinalang din nila sa analysis ang mga abo mula sa pagputok ng bulkan para makita kung magmatic eruption ba ang nangyari.
Kasalukuyan ay nasa Alert Level 3 na ang status ng Bulkang Kanlaon.
Matatandaang araw ng Lunes, Disyembre 9, 2024 nang pumutok ang bulkan na nagresulta ng pagpapalikas ng libu-libong mga residente malapit dito.