NAGBABALA ngayong ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa posibilidad ng lahar o volcanic sediment flows sa paligid ng Bulkang Kanlaon.
Ito’y dahil maaaring makaranas ng moderate to heavy rainfall ang Negros Islands dala ng Bagyong Querubin at shearline sa mga susunod na araw.
Kaugnay nito, pinayuhan ng PHIVOLCS na manatiling mag-ingat ang mga residente na nakatira malapit sa Bulkang Kanlaon.
Sinabi na rin ng state weather bureau na wala nang inaasahang panibagong bagyo hanggang sa susunod na linggo.
Sa ngayon, ang Bagyong Querubin ay tuluyan nang humina at isa na lang muli itong low pressure area.