NAGPALABAS ng Lahar Advisory ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon sa gitna ng pag-uulan na dala ng shear line na nararanasan sa Southern Luzon.
Ayon sa PHIVOLCS, posible ang pagkakaroon ng volcanic sediment flows o lahar flow, muddy stream flow o muddy run-off sa mga ilog at drainage areas ng bulkan.
Kabilang sa nakikitang lugar na maaapektuhan nito ay ang Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matanag, Basud, at Bulawan Channel sa Albay Province.
Inaabisuhan ang publiko at local government units sa mga nabanggit na lugar na mag-monitor sa weather conditions at magsagawa ng pre-emptive response measures para sa kaligtasan ng lahat ngayong umiiral ang shear line.
Samantala, muling nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands kahapon, Disyembre 1.
Ang grayish plumes na na-monitor mula sa summit crater ng bulkan ay may taas na 750 metro.
Nananatili paring nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.