PHIVOLCS, palalakasin ang quake monitoring sa bansa

PHIVOLCS, palalakasin ang quake monitoring sa bansa

PALALAKASIN pa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang earthquake at volcano monitoring sa bansa.

Ayon sa PHIVOLCS, pinaplano nilang magdagdag ng 14 pang seismic station na magiging kabuuang 140 stations sa taong 2028 at maglalagay ng 230 pang intensity meters sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Layunin ng nasabing obserbasyon na makagawa ng mga makatotohanang pagsasanay upang maging handa sa mga hindi inaasahang sakuna.

Halimbawa na rito ang naganap na 5.6 magnitude na lindol sa Java, Indonesia na kumitil sa halos 268 katao.

Inaasahan ng PHIVOLCS na ito ay magagawa bago o hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Marcos.