TINIYAK ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng magnitude 7.4 na lindol sa Japan.
Nangyari ito malapit sa kanlurang baybayin ng Honshu, Japan nitong hapon ng Lunes, Enero 1, 2024.
May lalim itong isang kilometro.
Sa abiso ng PHIVOLCS, walang nakikitang banta ng tsunami sa bansa at wala ring aksiyon ang kinakailangang ipatupad.