PHLPost, naglabas ng special stamps bilang pagbibigay-pugay sa COVID-19 frontline heroes

PHLPost, naglabas ng special stamps bilang pagbibigay-pugay sa COVID-19 frontline heroes

 

NAGLABAS ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng special stamps upang bigyang-pugay ang mga frontline heroes ng COVID-19 pandemic.

 

Ang naturang stamps ay may temang “We Fight for You, Frontline Heroes, Fighting Against Coronavirus” na nagpapakita ng iba’t ibang frontliners na nagseserbisyo sa kabila ng banta virus.

 

Kabilang sa makikitang larawan sa postage stamps ay ang mga doctors, medical staffs, military, police at delivery, supermarket at food personnels.

 

Ayon sa PHLPost, ang paglalabas ng naturang stamps ay upang maitaas at mapalakas ang morals ng mga frontliners at maipaalala sa mga ito pinapahalagahan ng publiko ang kanilang sakripisyo.

 

Nasa 200,000 ang inimprentang special stamps ng PHLPost na ibinebenta ng 12 piso kada piraso.

 

Mayroong ding ilalabas na 5,000 special limited collectors’ edition souvenir stamps ang postal office na magkakahala ng 55 kada piraso.

 

Ang mga stamps na ito ay idinisenyo ng in-house graphic artist na si Rodine Teodoro.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.